
Kinumpirma ng Philippine National Police (PNP) na patay na nang matagpuan ang isang Slovak national na unang napaulat na nawawala.
Kinilala ito na si Michaela Mickova, 23 taong gulang.
Natagpuang walang pang-ibabang damit ang biktima sa abandunadong chapel sa Barangay Balabag, Malay, Aklan kahapon, March 12, 2025.
Si Mickova ay huling nakitang buhay nitong March 10 sa Boracay Island ala-una ng hapon.
Ayon sa report ng PNP, natagpuan ang katawan ng babae na nabubulok na.
Sa ngayon, nakipag-ugnayan na ang mga awtoridad sa embahada ng Slovakia hinggil sa naturang insidente habang patuloy na inaalam ng Malay Municipal Police Station ang sanhi ng pagkamatay ng dayuhan.
Facebook Comments