NBA | Balitang pagbabalik ni Dwyane Wade, usap-usapan sa social media

NBA – Usap-usapan ngayon sa social media ang balitang plano ni NBA Superstar Dwyane Wade na maglaro sa NBA.

Kung sakaling makabalik, nais daw ni Wade na maglaro muli sa Miami Heat kung saan ito nakakuha ng tatlong kampeonato.

Sa kabila nito, kapwa hindi kinukumpirma ng management ng Heat at ni Wade ang kumakalat na balita at nananatili silang tahimik dito.


Nabatid na nais kasi ni Wade na magtapos ang kaniyang career bilang miyembro ng Heat at balak na niyang magretiro matapos ang 2018-2019 season.

Facebook Comments