NBA | Blazers, ipinahiya si LeBron James sa kaniyang Debut game sa koponan ng Lakers

Portland – Ipinahiya ng Portland Trail Blazers si LeBron James sa kaniyang debut game bilang manlalaro ng Los Angeles Lakers sa 2018-2019 NBA Regular Season.

Tinalo kasi ng Portland ang Lakers sa iskor na 119-128.

Bumida sa laban si Damian Lillard na kumamada ng 26 points habang sinundan siya ng 21 points ni CJ McCollum para maipanalo ng Trail Blazers ang laban.


Si LeBron James naman ay nagrehistro ng double-double na 26 points at 12 rebounds sa kaniyang unang laro sa koponan ng Lakers.

Facebook Comments