NBA | Boston Celtics angat na ng 2-0 kontra Cleveland Cavaliers sa Eastern Conference Finals ng NBA

30

Boston – Sumandal sa 36-point explosion ang Boston Celtics sa third quarter para muling ilampaso ang Cleveland Cavaliers, 107-94 sa Game 2 sa Easterb Conference Finals ng NBA.

Lamang ng pito ang Cleveland pagkatapos ng first half, 55-48, pero gumana ang opensa ng Celtics para makuha ang trangko, 84-77 papunta sa 4th quarter.

Hindi na binitawan ng Boston ang lamang tungo sa panalo.

Nanguna sa Boston si Jaylen Brown asa kaniyang 23 points habang nauwi sa wala ang triple double ni LeBron James na may 42 points, 12 assists at 10 rebounds.

Dahil panalo lamang na ang Boston, 2-0 sa serye.

Facebook Comments