NBA | Boston Celtics – kumpiyansang makatutungtong ng Finals sa susunod na NBA season

223

Hindi pa man nagsisimula ang panibagong NBA season, ginarantiya na ni Boston Celtics Guard Jaylen Brown na makakatungtong sila sa NBA Finals.

Marami ang nagsabing malaki na ang pag-asa ng ibang team na makaabot sa Finals kasunod ng pagkalas ni LeBron James sa Cleveland Cavaliers.

Pero sabi ni Brown, kahit nasa Eastern conference pa rin si LeBron ay posible pa rin namang makarating ng Finals ang Boston.

Nito lang Hulyo nang lumagda ng kontrata si King James sa Los Angeles Lakers na nasa Western Conference.

Facebook Comments