NBA | Boston Celtics muling nanalo sa Philadelphia 76ers sa Game 2 ng Eastern Conference semis ng NBA.

13

Boston – Bumangon ang Boston Celtics sa 22 point deficit sa first half para talunin ang Philadelphia 76ers sa Game 2 ng kanilang best of seven series sa Eastern Conference semifinals sa NBA.

Pinangunahan ni Terry Rozier ang comeback ng Celtics matapos itong magtala ng 20 points, nine assists at seven rebounds.

May lima pang Celtics na umiskor sa double figures para sa balanseng opensa ng Boston.

Dahil sa panalo lamang ng ng 2-0 ang Boston kontra sa Philadelphia.

May team high 23 points si JJ Reddick habang may 20 points at 14 rebounds naman si Joel Embiid para sa Philadelphia.

Facebook Comments