NBA | Boston Celtics uminit sa tres para pigilan ang Milwaukee Bucks, 117-113

50

Nagsalpak ng franchise record na three-pointers ang Boston Celtics para lusutan at tapusin ang unbeaten run ng Milwaukee Bucks, 117-113 sa NBA.

May anim na tres si Kyrie Irving habang may lima naman si Markief Morris at apat si Al Horford para maitala ng Celtics ang bagong franchise mark na 24 three-point shot made sa isang laro.

Sa kabuuan umiskor ng 28 points, 7 assists at 3 rebounds si Irving para pangunahan ang Celtics sa Bucks.

May tig-18 naman sina Horford at Gordon Hayward na may tatlong tres.

Dahil sa panalo umangat sa 6-2 win/loss card ang Boston.

Napanis namang ang monster game ni Giannis Antetokounmpo na humakot ng 33 points at 11 rebounds para sa Bucks.

Ito ang unang talo ng Milwaukee sa loob ng walong laro.

Facebook Comments