NBA | Boston Celtics, wagi kontra Milwaukee Bucks; 113-107

14

Amerika – Panalo via overtime game sa second day ng NBA playoffs ang Boston Celtics kontra Milwaukee Bucks.

Nanalo ang Celtics sa score na 113-107 kung saan bumida sa Boston si Alhorford na may 24-points.

Pahirapan manalo ang Boston lalo na at hindi na makakalaro sa buong playoffs ang star player si Kyrie Irving dahil sa injury nito sa kaliwang tuhod.

Samantala, pinahiya naman ng Indiana Pacers ang Cleveland sa mismong homecourt nito makaraang talunin ang Cavaliers sa score na 98-80.

Pinangunahan ni Victor Oladipo ang Pacers na nakapagtala ng 32-points habang nasayang naman ang 24-points at 10-rebounds ni Cavs Star Lebron James.

Facebook Comments