NBA Brooklyn Nets Standout Guard Spencer Dinwiddie, nagpositibo sa COVID-19

Nagpositibo sa COVID-19 si National Basketball Association (NBA) Brooklyn Nets Standout Guard Spencer Dinwiddie.

Ito ang kinumpirma ni Dinwiddie kasunod ng nakatakdang pagbabalik-laro ng NBA sa July 30 sa Orlando, Florida.

Ayon kay Dinwiddie, malaki ang pag-iingat niya nitong nakalipas na buwan para hindi mahawaan ng virus.


Lagi rin aniya siyang sumusunod sa mga health protocols at nakahanda na ring lumipad patungo sa New York kasama ang buong koponan ng Brooklyn nang malaman niya ang resulta ng test.

Hindi naman masabi ni Dinwiddie kung makakasama pa siya sa pagbabalik-laro ng NBA, dahil kailangan niyang sumailalim sa quarantine at magpa-test muli pagkatapos ang labing-apat (14) na araw.

Facebook Comments