NBA | Career high score ni Wizards Bradley Beal, susi sa pagkapanalo kontra Portland Trail Blazers

23

NBA – Nagtala ng career-high 51 points si Bradley Beal para pangunahan ang Washington Wizards kontra Portland Trail Blazers, 106-9 sa NBA.

Si Beal ang ikatlong player sa liga na naka-iskor ng mahigit sa limampung puntos ngayong season. Nauna nang nakapagtala ng 50+ points sina James Harden ng Houston Rockets at si LeBron James ng Cleveland Cavaliers.

Samantala, hindi muna makakapaglaro ng dalawang linggo si Stephen Curry para sa defending champion Golden State Warriors dahil sa iniinda nitong ankle injury. Pero ang maganda rito, hindi naman matindi ang tama sa bukung-bukong ni Curry. Kailangan lamang niya itong ipahinga.

Facebook Comments