NBA | Carmelo Anthony, sa Houston Rockets na maglalaro sa susunod na season

209

Inaasahan na ang pagpirma ni All-Star Carmelo Anthony sa Houston Rockets para sa isang taon na kontrata na nagkakahalaga ng $2.4M o mahigit P100M.

Ayon sa mga ulat sa NBA, hinihintay na lamang ni Anthony at ng Rockets na pormal na bitawan siya ng Atlanta Hawks at maayos ang mga waiver nito sa Oklahoma City Thunder.

Si Anthony ay may average na career-low 16.2 points per game sa nakaraang season para sa Thunder.

Hindi naging masaya si Anthony sa Thunder dahil third scoring option lamang ito sa likod nina Russell Westbrook at Paul George.

Kung matutuloy sa Houston si Anthony, tiyak na malaki ang maitutulong nito kina reigning league MVP James Harden at Chris Paul para mawakasan ang paghahari ng Golden State Warriors sa liga.

Facebook Comments