NBA | Cleveland Cavaliers, nakatabla na sa Boston Celtics!

Ohio – Tabla na ang Eastern Conference Finals ng NBA

Ito ay matapos muling nanalo ang Cleveland Cavaliers sa game 4 sa Quicken Loans Arena kontra Boston Celtics, 111-102.

Sa unang quarter pa lang pumutok na agad ang opensa ng Cavaliers, 34-18 para maiposte ang malaking lamang sa buong laro.


Umiskor si Lebron James ng 44 points habang may 14 naman si Kyle Korver para sa Cleveland.

May team high 25 points naman si Jaylen Brown para sa Boston.

Dahil sa panalo ng Cavaliers, 2-all na ngayon ang ECF.

Facebook Comments