NBA | Cleveland Cavaliers, nasungkit ang kanilang ika-50 panalo ngayong season

34

NBA – Nasungkit ngayon ng Cleveland Cavaliers ang kanilang 50th win ngayong season matapos talunin ang New York Knicks, 123-109.

Nagsanib-pwersa para sa Cavs sina Lebron James na umiskor ng 26 points habang 28 points naman mula kay Kevin Love.

Dahil sa panalo, naibulsa rin ng koponan ang panibago nilang Central Division Title.

Hindi naman nagbunga ang 20 points ni Michael Beasley para sa Knicks na pilit pinunan ang pagkawala ng mga ka-team na sina Tim Hardaway Jr. at Enes Kanter.

Sa Huwebes, maghaharap muli sa hardcourt ang Cavaliers at Knicks.

Facebook Comments