NBA | Cleveland, pinadapa ang Toronto Raptors sa game 2

43

Toronto Canada – Kung sa game 1 ay kailangan ng overtime bago matapos ang laro, tiniyak ni Lebron James na mas kumbisido ang magiging resulta ng game 2 para sa Cleveland.

Tinambakan ng Cavaliers ang Toronto Raptors, 128-110 para umangat sa 2-0 sa kanilang Eastern Conference semifinal series sa NBA.

Nagbagsak ng 43 points, 8 rebounds at 14 assists si James para dominahin ang depensa ng Raptors.

Pumutok din si Kevin Love na nag-ambag ng 31 points para sa Cavaliers.

May 24 points naman si De Mar DeRozan para sa Toronto na natalo sa ikalawang sunod na laro sa kanilang home court.

Facebook Comments