NBA | Clippers, Pelicans, Kings – namayagpag!

Umiskor ng career-high 30 points si Montrezl Harrell para pangunahan ang Los Angeles Clippers sa impresibong 133-113 na panalo kontra Houston Rockets sa NBA.

May 24 points off the bench naman si Carmelo Anthony para sa Rockets.

Itinapon naman ng nerbiyosong New Jersey Nets ang siguradong panalo para masilat sa New Orleans, 116-115.


Lamang ang nets, 115-114 at hawak pa nila ang possession sa dying seconds pero itinapon ni D’angelo Russell ang bola para sa costly turnover.

Sa ensuing play, isinalpak ni Jrue Holiday ang kaniyang Jumpshot sa Buzzer para agawin ng Pelicans ang tagumpay.

Umiskor naman ng 22 points si Buddy Hield para gulatin ng Sacramento Kings ang Washington Wizards, 116-112.

Facebook Comments