NBA | Dwyane Wade hindi pa rin sigurado kung magreretiro o maglalaro pa

18

Hanggang ngayon ay hindi pa tiyak kung maglalaro sa kaniyang ika-labing anim na season sa NBA o tuluyan nang magreretiro si Dwyane Wade.

Hindi pa rin kasi makapagdesisyon ang 12-time All Star at three-time NBA champion.

Pero sabi ni Wade na posibleng pagkatapos ng Media Day ng Miami Heat sa September 26 niya ihayag ang kaniyang desisyon.

Naglaro si Wade sa Cleveland Cavaliers noong nakaraang season pero nakabalik siya sa Miami matapos ang trade sa pagitan ng dalawang koponan.

May average na 12 points at 3.4 assists per game si Wade para sa Heat sa 21 regular season games.

Sa post season, naiangat ni Wade ang kaniyang scoring output sa 16.6 points kada laro.

Facebook Comments