NBA | Golden State Warriors gumastos ng $500,000 sa kanilang victory parade sa Oakland

66

Oakland, California – Gumastos ng $500,000 o P25M ang Golden State Warriors sa alak habang ginaganap ang kanilang parada kahapon para ipagdiwang ang ikalawa nilang sunod na kampeonato sa NBA.

Ito ang ikatlong NBA title ng Warriors sa huling apat na season sa liga.

Ayon sa mga source, mga sikat na brand ng champagne na Luc Belaire Rare Gold, Luxe at Rose ang tinungga ng koponan habang sakay sila ng bus.

Nauna nang gumastos ng $400,000 ang Warriors sa alak sa kanilang locker room matapos nilang talunin sa game 4 at walisin ang Cleveland Cavaliers sa NBA Finals.

Facebook Comments