NBA | Golden State Warriors, panalo kontra San Antonio Spurs

25

Amerika – Hindi pinaporma ng Golden State Warriors ang San Antonio Spurs sa game 1 ng kanilang serye sa NBA playoffs.

Tinalo ng Warriors ang Spurs sa score na 113-92 kung saan nanguna sa panalo ng Golden State si Klay Thompson na may 27-points habang nag-ambag naman si Kevin Durant ng 24-points at 8-rebounds.

Hindi naman naglaro ang isa sa mga star players ng Warriors na si Stephen Curry dahil sa sprained.

Samantala, tinalo naman ng New Orleans Pelicans ang Portland Traiblazers sa score na 97-95, habang tinambakan ng Philadelphia 76ers ang Miami Heat sa score na130-103 at nanalo naman ang Toronto Raptors kontra Washington Wizards sa score na 114-106.

Facebook Comments