NBA | GSW, dinurog ang Rockets sa game 3 ng Western Conference Finals

101

Oakland, California – Umiskor ng 35 points si Stephen Curry para buhatin ang defending champion Golden State Warriors sa pagtambak sa Houston Rockets, 126-85 sa game 3 ng kanilang Western Conference Finals sa Oracle Arena.

Ang 41-points na panalo ng Warriors ay siyang pinakamalaking lamang ng koponan sa franchise history.


Hindi pinaporma ng Warriors ang Houston sa buong laro. Mula sa siyam na abante sa 1st quarter, lalo pang uminit ang opensa ng Golden State lalo na sa 4th quarter kung saan tinapos nila ito sa 38-18 na score para maitala ang blowout kontra sa Rockets.

Nag-ambag naman ng 25 points si Kevin Durant para sa Warriors habang umiskor ng 20 points si James Harden para sa Rockets.

Sa panalo, lamang na ang Warriors, 2-1 laban sa Rockets sa kanilang WCF series.

Facebook Comments