NBA | Houston Rockets tinalo ang Nets, 119-111

18

Tinapos ng Houston Rockets ang inaalat nilang kalagayan sa NBA matapos talunin ang New Jersey, 119-111.

Nagtala ng 32 points, 11 assists at 7 rebounds si Chris Paul para ibigay sa Rockets ang ikalawa lamang nilang panalo sa nakaraang pitong laro.

May career-high 29 points off the bench naman si Caris LeVert para sa Houston na pinutol ang four-game losing skid.

Pre-season favorites ang Rockets dahil na rin sa maganda nilang ipinakita noong nakaraang season sa pagkuha sa top seed sa liga at isang panalo na lang sana ang kailangan nila para makapasok sa NBA Finals.

Nadagdag pa sa line-up ng Houston si Carmelo Anthony pero hindi maramdaman ang consistency nito sa koponan.

Facebook Comments