NBA | Houston Rockets – tuloy sa pamamayagpag

27

NBA – Patuloy sa pamamayagpag sa NBA Western Conference ang Houston Rockets matapos na maitala ang kanilang ika-60 panalo ngayong season.

Sa iskor na 118-99, inilampaso ng Rockets ang Atlanta Hawks sa pamamagitan ng triple-double na 18 points ni James Harden.

Ang Rockets ang ika-labinwalong team sa kasaysayan ng NBA na nakakuha ng 60 wins sa 74th game ng season.

Sunod na haharapin ng Rockets ang Chicago Bulls sa Miyerkules habang dadayuhin ng Hawks ang Minnesota sa Huwebes.

Facebook Comments