NBA | I.T. – pipirma ng 1-year deal sa Denver Nuggets

57

Denver, Colorado – Pumayag na si free agent guard Isaiah Thomas na pumirma ng one-year contract sa Denver Nuggets.

Kasunod ito ng pakikipagpulong niya kina Denver President of Basketball Association Tim Connelly at Coach Michael Malone sa Las Vegas.

Nagkakahalaga ng 2-million dollars ang kontrata o katumbas ng 107-million pesos.

Ayon sa mga eksperto – pagkakataon ito ni Thomas para ma-establish muli ang kanyang pangalan sa isang winning team.

Nagpapagaling pa rin kasi hanggang ngayon ang two-time all-star guard matapos na sumailalim sa hip surgery.

Dahil sa injury, 15 beses lang na nakapaglaro sa Los Angeles Lakers si Thomas sa nakalipas na 2017-2018 season.

Facebook Comments