NBA | Indiana Pacers, wagi kontra Cleveland Cavaliers

28

Amerika – Positibo pa din si Cleveland Cavaliers Superstar Lebron James na makakaahon sila matapos na matalo sa game 1 ng NBA playoffs kontra Indiana Pacers.

Ayon kay James, sisikapin ng Cavs na makabawi sa game 2 bagama’t aminado siya na nangangapa ang mga bago nilang players tulad nina Fil-Am Jordan Clarkson at Larry Nance Jr. na first time pa lang nakalaro sa playoffs.

Sinabi pa ni James na sanay na ang Cleveland sa ganitong sitwasyon kung saan ipapakita nila sa susunod ang pagiging 2017 eastern conference champions nila.

Mapapanood naman ang game 2 sa Huwebes sa alas-7:00 ng umaga.

Facebook Comments