NBA | Isang player, naghintay ng sampung taon bago makapaglaro

94

NBA – Muling pinatunayan ni Andre Ingram na totoo ang kasabihang “kapag may tiyaga may nilaga.”

Naglaro kasi sa unang pagkakataon si Ingram para sa Los Angeles Lakers kanina matapos ang sampung taong paghihintay na tawagin siya para makarating sa NBA.

Isang dekada na kasing naglalaro si Ingram sa D at G League, ang farm league ng NBA, si Ingram kung saan ito ang all-time career leader sa three-point shooting percentage.

Hindi naman binigo ni Ingram ang pagtitiwala ng Lakers dahil umiskor ito ng 19 points sa kaniyang 4 out of 5 shooting sa three-point territory kontra Houston.

Yung nga lang natalo ang Lakers sa Rockets sa score na 105-99.

Facebook Comments