NBA | James at Curry, nangunguna na sa botohan ng NBA All-Star voting

48

NBA – Nangunguna na sa botohan ng NBA All-Star sina Lebron James ng Cleveland Cavaliers at Stephen Curry ng Golden State Warriors.

Naungusan na ni James si Giannis Antetokounmpo bilang number one sa East na may 1,622,838 votes habang nahigitan na din ni Curry sa West ang teammate na si Kevin Durant na mayroong 1,369,658 votes.

Kung magpapatuloy hanggang sa huling botohan sa January 15, 2018 si James at Curry na ang siyang magiging team captain ng West at East Conference.

Dahil dito, sila na ang may karapatang mamili ng makakasama sa 67th All-Star Game sa February 19 (Philippine Time) base na din sa bagong format na inilabas ng NBA.

Facebook Comments