NBA | Kawhi Leonard, nagpadala ng farewell letter sa Antonio Spurs

90

USA – Tuluyan nang nagpaalam sa San Antonio Spurs si Kawhi Leonard.

Sa sulat na ibinigay niya sa koponan, pinasalamatan niya si Spurs Coach Gregg Popovich, mga dating teammates at mga fans.

Matagal daw niyang pinag-isipan ang mga bagay na gusto niyang sabihin sa Spurs pero tanging “thank you” ang mensaheng nais niyang iwan sa koponan.

Hindi rin daw niya makakalimutan ang masasayang karanasan niya sa team at ang suporta sa kanya ng mga taga-San Antonio.

Enero 13 nang huling maglaro para sa Spurs si Leonard bago lumipat sa Toronto Raptors noong Hulyo.

Facebook Comments