NBA | Kevin Durant, makakalaro na para sa Warriors sa Huwebes

48

NBA – Inaasahan na ang pagbabalik-hardcourt si Golden State Warriors star forward Kevin Durant kontra Milwaukee bucks sa Huwebes.

Halos tatlong linggong hindi nakalaro si Durant dahil sa tinamong rib fracture sa nakaraang laban kontra Minnesota Timberwolves.

Katumbas ito ng anim na laro kabilang ang naging laban nila kanina kontra Indiana Pacers.

Kahapon, sinabi ni Coach Steve Kerr na magaling na si Durant pero minabuti nilang bigyan ito ng extra two days para masigurong safe na siyang maglaro.

Facebook Comments