NBA | Kevin Love pumirma na sa $120M, four-year contract extension sa Cavs

110

NBA – Mananatili si Kevin Love sa Cleveland Cavaliers hanggang sa 2023 season ng National Basketball Association o NBA.

Pumirma na kasi si Love at ang koponan para sa $120M o mahigit P6.36B na kontrata na tatagal ng apat na taon.

Sa kaniyang apat na season sa Cleveland, may average na 17.1 points at 10 rebounds per game si Love pero kasama niya sina Kyrie Irving at LeBron James.

Sa pag-alis nina James papuntang Los Angeles Lakers at ni Irving bago magsimula ang katatapos na season, si Love na ngayon ang number one scoring option ng Cleveland na gaya ng kanilang home court ng Quicken Loans Arena ay nasa rebuilding process.

Matatandaang winalis ng Golden State Warriors ang Cavaliers, 4-0 sa nakaraang NBA Finals.

Sa paglisan ni James sa ikalawang pagkakataon, marami ang nagsasabi na mahihirapan ang Cavaliers na makipagsabayan sa mga bigating team sa Eastern Conference.

Facebook Comments