NBA| Kyrie Irving pinagmulta ng $25,000; Tyson Chandler pumirma na sa Lakers

289

Dahil sa paghagis ng bola sa mga fans matapos ang kanilang laro kontra Denver Nuggets kahapon, pinamulta ng $25,000 o P1,325,000 si Boston playmaker Kyrie Irving ng NBA.

Ayon sa NBA hindi karapat-dapat ang ginawa ni Irving lalo na at isa siya sa mga tinitingalang point guard ng liga.

Napikon kasi si Irving sa three-point attempt sa buzzer ni Jamal Murray ng Nuggets kahit na tambak na ang Celtics.

Tingin kasi ni Irving pambabastos ang ginawa ni Murray na makapagtala ito ng 50 points sa laro.

Tanggap naman ni Irving ang parusa kaniya ng liga pero giit pa rin nito na mali pa rin ang ginawa ni Murray.

Samantala, pumirma na sa Los Angeles Lakers si Tyson Chandler matapos ang buy-out nito sa Phoenix Suns at maayos ang mga waiver sa liga.

Inaasahan malaki ang maitutulong ni Chandler sa depensa ng Lakers na kulang na kulang lalo na sa shaded area.

Facebook Comments