NBA | LeBron James, kikita ng $162 kada isang segundo sa loob ng basketball court sa susunod na season

28

Nakakalula ang sasahurin ni LeBron James sa kaniyang paglalaro sa Los Angeles Lakers sa pagbubukas ng bagong season ng National Basketball Association sa susunod na buwan.

Alam niyo ba na sa isang segundo nito sa loob ng court ay kikita agad ng 162 dollars o P8,586 si King James?

Sa isang minuto ay may $9,700 o P514,100 ang bayad kay James.

Sa breakdown pa ng suweldo nito, kikita ng $117K o mahigit P6.2M kada quarter ang 4-time MVP at three-time league champion.

Kada game naman ay mag-uuwi ito ng $467K o mahigit P24M.

Matatandaang pumirma ng apat na taong kontrata si James sa Lakers na nagkakahalaga ng $153.6M matapos nitong iwanan ang Cleveland Cavaliers.

Kada season o taon ay babayaran si James ng $38.3M o mahigit P2.2B ng Los Angeles.

Facebook Comments