NBA | Los Angeles Lakers, nanalo sa unang pagkakataon sa Staples Center

21

Los Angeles – Nagpakita ng bangis si LeBron James at Kyle Kuzma sa homestretch para maitala ng Los Angeles Lakers ang kanilang unang panalo sa kanilang home court ngayong season.

Tinalo ng Lakers ang bumibisitang Denver, 121-114 sa Staples Center para sa kanilang ikalawang sunod na panalo at putulin ang 4-game winning streak ng Nuggets.

Kumana ng triple-double si James na may 28 points, 11 rebounds at 11 assists para pangunahan ang 4th quarter comeback ng Lakers.

Nag-ambag naman ng 22 points, kasama na ang decisive dunk sa closing seconds, si Kyle Kuzma habang may 21 markers naman si Javale McGee para sa Lakers.

May team-high 24 points naman si Nikola Jokic para sa Nuggets. Nag-ambag naman ng 22 points si Jamal Murray.

Facebook Comments