NBA | Los Angeles Lakers nilusaw ang Phoenix Suns; 120-96

Umiskor ng 23 points si Kyle Kuzma para bitbitin ang Los Angeles Lakers kontra Phoenix Suns, 120-96 sa NBA.

Nag-ambag naman ng 22 points si LeBron James para sa home win.

Ito ang ikalawang sunod na panalo ng Lakers para umangat sa 13-9 win loss card ang koponan.


Double whammy naman ang inabot ng Suns dahil bukod sa natalo ay nagtamo pa ng injury ang star player nilang si Devin Booker.

Sa ibang laro, sinilat ng San Antonio Spurs ang Portland Trailblazers, 131-118. Umiskor ng team-high 36 points si DeMar DeRozan para sa Spurs.

Nasayang naman ang 37 points at 10 rebounds ni Damian Lillard para sa Blazers.

At naitakas ng Dallas Mavericks ang 114-110 na panalo kontra sa Los Angeles Clippers.

Facebook Comments