NBA | Monster game ni Anthony Davis nagpanalo sa New Orleans Pelicans laban sa Los Angeles Lakers

37

NBA – Umiskor ng 42 points at humakot ng 15 rebounds si Anthony Davis para tambakan ng New Orleans Pelicans ang Los Angeles Lakers, 139-117 sa NBA.

May 23 points naman si Kyle Kuzma para sa Lakers.

Sa ibang laro, ginulat ng Portland Trail Blazers ang Golden State Warriors, 123-117 sa 44 points ni Damian Lillard. May 50 points naman si Kevin Durant para sa Warriors.

Habang tinalo ng Los Angeles Clippers ang Boston Celtics, 129-119. May 30 points at 13 rebounds si DeAndre Jordan para sa Clippers.

Wagi rin ang Houston Rockets sa Sacramento Kings, 100-91. May game high 28 points si James Harden para sa Houston.

Facebook Comments