NBA | OKC, pinalasap sa GSW ang ikaapat na sunod na talo

79

Sa kauna-unahang pagkakataon nalasap ng Golden State Warriors ang pambihirang ikaapat na sunod na talo sa panahon ni Steve Kerr bilang head coach.

Tinambakan ng Oklahoma City Thunder ang Warriors, 123-95 sa Oracle Arena dahil dito lumagapak sa 12-7 record ang Golden State.

Samantala sa ibang laro:

Nakalusot ang Los Angeles Lakers sa Cleveland, 109-105 sa unang laro ni LeBron James matapos iwanan ang Cavaliers.

Nasilat naman ng Houston Rockets ang Detroit Pistons, 126-124.

At sinorpresa ng New York Knicks ang Boston, 117-109.

Facebook Comments