NBA | Pagsisimula ng NBA All-Star Game sa February 19, inaabangan na

66

NBA – Magsisimula na sa February 19 ang inaabangang NBA All-Star Game.

Idaraos ito sa Staples Center sa Los Angeles, California na balwarte ng Los Angeles Clippers at Lakers.

Tatayong team captains sa taunang NBA event si Cleveland Cavaliers star Lebron at si Stephen Curry ng Golden State Warriors.

Ayon kay James, positibo siya na magiging matindi ang kompetisyon sa All-Star Game.

Sisikapin umano nila na mabigyan ng magandang laro ang NBA fans dahil deserve naman daw nila ito.

Facebook Comments