NBA | Philadelphia 76ers nalusutan ang Charlotte Hornets; Curry “day to day” dahil sa groin injury

92

Umiskor ng 42 points at humakot ng 18 rebounds si Joel Embiid para maitala ng Philadelphia 76ers ang makapigil hiningang 133-132 na panalo sa OT kontra Charlotte Hornets sa NBA.

Hanggang sa huli ay nakipagsabayan ang Hornets sa Sixers pero hindi hinayaan ni Embiid at ni Ben Simmons na masilat pa sila ng Charlotte sa mismong home court nila.

Nasayang naman ang 30 points, 9 assists at 7 rebounds ni Kemba Walker para sa Hornets.

“Day to day” naman ang status ni Stephen Curry para sa Golden State Warriors dahil sa tinamo nitong injury kahapon sa kanilang laro laban sa Milwaukee Bucks.

Ayon sa coaching staff ng defending champions, binabantayan nila ang groin injury ni Curry at hindi muna ito maglalaro laban sa New Jersey Nets.

Samantala, tatlong koponan ang sasalang mamaya sa dalawang crucial games sa 1st RMN Manila Radyoman Mini Basketball Bonding Tournament sa Philippine Army Gym.

Nakataya kasi ang dalawang puwesto sa finals ng torneo.

Kapwa target ng league leaders Lunas Kalusugan at Gentle Hands Holistic Wellness Center ang unang finals berth sa kanilang paghaharap sa second game.

May pag-asa naman ang DWWW/IFM ang isa pang slot sa finals kung tatalunin nila ang DZXL 558 Manila sa first game.

Facebook Comments