NBA | Phoenix Suns, hawak ang no. 1 pick sa NBA draft sa susunod na buwan

15

NBA – Hawak ngayon ng Phoenix Suns ang no. 1 pick sa NBA draft sa susunod na buwan.

Dahil dito, itinuturing ng Suns na makasaysayan ang araw na ito para sa kanilang franchise kung saan ito ang kauna-unahang no. 1 overall pick ng Phoenix sa kanilang franchise history.

Matatandaan na nakakuha lamang ng 21-61 win/loss record ang Suns sa 2017-18 season, na pinakakulelat ngayong taon.

Napunta naman sa Sacramento Kings ang no. 2, samantalang ang no. 3 naman ay sa Atlanta Hawks.

Magaganap ang rookie draft ng NBA sa June 21 sa Barclays Center sa Brooklyn.

Facebook Comments