NBA | Phoenix Suns, mayroon nang bagong head coach

12

NBA – May bago nang head coach ang Phoenix Suns.

Pinalitan ni Igor Kokoskov si Jay Triano matapos ang nakakadismayang karera ng Suns sa 2018 season ng NBA.

Nabatid na kumamada lamang ang Phoenix ng 21 na panalo at 61 na talo kung saan walong taon na silang hindi nakakapasok sa playoffs.

Umaasa naman ang mga players at management sa bago nilang coach na si Kokoskov na kauna-unahang European-born coach na hahawak ng isang team sa NBA.

Facebook Comments