NBA players na nagpositibo sa COVID-19, halos 50 na

86

Umabot na sa 48 na manlalaro ng National Basketball Association (NBA) ang nagpositibo sa Coronavirus simula nang ibalik ang testing bilang paghahanda sa pagsisimula ng pre-season at regular season.

Ayon sa National Basketball Players Association, nasa 546 players ang dumaan sa COVID-19 testing sa pagitan ng November 24 hanggang 30 matapos bumalik sa team markets.

Tiniyak naman ng NBA na lahat ng manlalaro na magpopositibo ay ihihiwalay hanggang sa gumaling base sa guidelines ng Centers for Disease Control and Prevention (CDC) at hindi makalalaro sa pre-season.


Magsisimula ang NBA pre-season sa December 11 habang ang regular season ay sa Dec. 22.

Facebook Comments