NBA star Jordan Clarkson, kabilang na sa Gilas Pilipinas para sa 2023 FIBA World Cup qualifiers window; kabuuang 144 na atleta, ipadadala ng team Philippines sa 11th ASEAN Para Games sa Indonesia

43

Kumpirmadong makakasama na ng Gilas Pilipinas ang NBA star na si Jordan Clarkson sa 2023 FIBA Basketball World Cup Asian qualifiers.

Batay sa inilabas na pahayag ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP), posibleng makalaro si Clarkson sa August 25 kontra Lebanon at sa August 29 laban naman sa
Saudi Arabia.

Una na ring sinabi ni Gilas Pilipinas head coach Chot Reyes na mapapabilang si Clarkson sa national team sa fourth window ng World Cup Asian qualifiers.


Dagdag pa ng SBP, nakikipag-ugnayan na rin sila kay Kai Sotto upang makasama siya sa Gilas Pilipinas para sa huling tatlong window ng World Cup Asian qualifiers, sa 32nd Southeast Asian Games sa Cambodia sa susunod na taon at sa World Cup.

Samantala, kabuuang 144 na atleta ang ipapadala ng team Philippines para sa 11th ASEAN Para Games na magsisimula sa Hulyo 30 hanggang Agosto 6 sa Surakarta, Indonesia.

Facebook Comments