NBA | Stephen Curry, 2 linggong hindi makakapaglaro dahil sa injury

37

NBA – Posibleng hindi makapaglaro ng hanggang dalawang linggo si Golden State Warriors Star Stephen Curry.

Ito ay dahil sa kaniyang right ankle injury na kaniyang nakuha sa laban nila ng New Orleans Pelicans noong nakaraang araw.

Hindi rin tiyak ng koponan kung makakapaglaro ba ito sa Christmas Day game nila kontra Cleveland Cavaliers.

Positibo naman si Golden State Coach Steve Kerr sa nangyari kay Curry dahil itinuturing niyang oportunidad ito sa iba niyang player na mag-step up habang wala ang kanilang star pointguard.

Facebook Comments