NBA | Stephen Curry, hindi muna palalaruin ng Golden State Warriors

NBA – Hindi muna palalaruin ng Golden State Warriors ang star player nito na si Stephen Curry sa mga huling laro ng eliminations hanggang first round ng playoff sa Abril.

Dahil ito sa tinamong left knee injury ni Curry matapos siyang mabagsakan ng teammate na si Javale Mcgee sa nakaraang laro kontra Atlanta Hawks.

Sa kabila nito, kampante si Coach Steve Kerr na mananatili sila sa number 2 spot ng western conference kahit hindi makalaro si Curry.


Aniya, bibigyan niya ng mas maraming oras sa hardcourt sina Kevin Durant, Draymond Green at Klay Thompson para maipanalo ang sampu pang natitirang mga laro.

Facebook Comments