NBA Utah Jazz center Rudy Gobert, kinumpirmang hindi pa lubusang gumagaling sa COVID-19

55

Inamin ni National Basketball Association (NBA) Utah Jazz center Rudy Gobert na hindi pa siya lubusang gumagaling, tatlong buwan matapos tamaan ng COVID-19.

Ayon kay Gobert, bagama’t bumalik na ang kanyang panlasa, hindi pa 100% ang kanyang pang-amoy.


Aniya, naninibago rin siya sa matagal-tagal na hindi nakapaglaro ng basketball dahil abala siya sa ibang bagay gaya ng boxing, swimming, at pagtakbo sa kabundukan.

Matatandaang si Gobert ang kauna-unahang NBA player na nagpositibo sa COVID-19, na nauwi sa pagsuspinde ng NBA sa kasalukuyang season nito.

Facebook Comments