NBI, aminadong wala pang private complainants na naghahain ng reklamo laban sa Kapa

Aminado ang National Bureau of Investigation (NBI) na wala pang lumalapit sa kanila para maghain ng reklamo laban sa Kapa-Community Ministry International.

Ayon kay NBI-NCR Director Cesar Bacani – hindi sila makapagsampa ng kasong estafa laban sa Kapa na walang private complainant.

Pero sinabi ni Bacani na pwede na silang maghain ng reklamo laban sa Kapa para sa bailable offenses dahil sa paglabag sa Securities Regulation Code.


Matatandaang naglunsad ang NBI ng sunud-sunod na operasyon laban sa Kapa sa Cagayan Valley, Quezon City, Rizal, Tacloban, Tagum, Cagayan de Oro at Genertal Santos City.

Facebook Comments