NBI-AOTCD Chief Danielito Lalusis, pumanaw matapos atakihin ng stroke

Manila, Philippines – Nasawi ang hepe ng National Bureau of investigation-Anti Organized Transnational Crime Division (NBI-AOTCD) matapos na ma-stroke sa bf Homes, Las PiƱas City.

Sa ulat, naghahanda sana papunta sa opisina si NBI-AOTCD Chief Danielito Lalusis, 52-anyos para dumalo sa flag ceremony nang atakihin ito ng stroke.

Idineklarang dead-on-arrival si Lalusis sa Alabang Medical Center.


Ikinagulat naman ni NBI Director Dante A. Gierran ang nangyari kay Lalusis, malaking kawalan umano sa kagawaran ang pagkawala ni Lalusis na batch mate niya sa NBI academy.

DZXL558

Facebook Comments