NBI, handa na sa toxicology report ni Christine Dacera

54

Inihahanda na ng National Bureau of Investigation ang toxicology report sa kaso ng pagkamatay ng flight attendant na si Christine Dacera.

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, ipapaubaya na nila sa NBI ang paglalabas ng findings.


Humiling ang NBI ng ilang specimen mula sa Philippine National Police at kopya ng medical records ng dalaga para makuha ang buong detalye.

Ang imbestigasyon ng NBI sa Dacera case ay hiwalay sa preliminary investigation na isinasagawa ng Makati Prosecutor.

Nakatutok ang Makati Prosecutor sa criminal complaint laban sa mga kasama ni Dacera bago siya namatay, habang ang NBI ay sinusuri ang labi ng flight attendant.

Facebook Comments