NBI, handang tumulong sa imbestigasyon sa pagpatay sa isang abogado sa Puerto Princesa, Palawan

45

Tiniyak ni Justice Secretary Menardo Guevarra na handa siyang atasan ang National Bureau of Investigation (NBI) na magsagawa ng sariling imbestigasyon kung kinakailangan sa pinakahuling insidente ng pamamaril at pagpatay sa isang abogado sa Puerto Princesa City sa Palawan.

Inalerto na rin ni Secretary Guevarra ang NBI field agents nito sa Palawan para tumulong sa imbestigasyon ng local police.


Samantala, kinondena naman ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) ang naturang krimen.

patungo sana kaninang umaga sa Bayan ng Quezon sa Palawan ang biktimang si Atty. Eric Jay Magcamit para dumalo sa isang court hearing nang pagbabarilin ng dalawang hindi pa nakilalang suspek.

Sa isang pahayag, sinabi ng IBP na walang puwang sa isang sibilisadong lipunan ang karahasan lalo na sa mga nasa legal profession.

Facebook Comments