NBI, inatasan ng DOJ na i-secure ang blast site sa Sulu

35

Pinakilos na ni Justice Sec. Menardo Guevarra ang National Bureau of Investigation (NBI) para i-secure ang blast site at ma-preserve ang mga ebidensya sa kambal na pagsabog sa Jolo, Sulu.

Ayon kay Guevarra, umaasa siyang may mga forensic na rin sa lugar na tutulong sa pangangalap at pagsusuri ng mga mahahalagang ebidensya doon.

Naniniwala naman ang kalihim na malaki ang maitutulong ng NBI para matukoy ang mga taong nasa likod ng pagpapasabog kung saan 15 ang namatay at maraming ang nasugatan.

Maaaring matukoy din ng NBI ang nationality ng mga kasabwat matapos ang masusing imbestigasyon.

Facebook Comments