NBI, inatasan ng DOJ na palawigin pa ang imbestigasyon laban sa mga sangkot sa pastillas scam

35

Inatasan ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang National Bureau of Investigation (NBI) na palawigin pa ang imbestigasyon nito laban sa mga nasa likod ng pastillas scam.

Kasunod na rin ito ng naging pahayag ni Senadora Riza Hontiveros na nag-mutate na rin ang nasabing modus sa mga paliparan sa bansa na kinasasangkutan ng aniya’y fixers sa Bureau of Immigration (BI).


Sa kanyang direktiba, nais malaman ng kalihim kung sino-sino ang mga nakikinabang sa modus at ang kanilang mga kasabwat para maparusahan.

Una nang pinakilos ng Department of Justice (DOJ) ang NBI noong Pebrero ng nakalipas na taon para imbestigahan ang mga tauhan ng BI na sinasabing tumatanggap ng suhol kapalit ng pag-escort sa mga Chinese Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) worker na papasok ng bansa.

Facebook Comments