NBI, maglalagay ng satellite office sa Kalibo

Kalibo, Philippines – Kinumpirma ni Mayor Wiliam Lachica sa DYKR RMN Kalibo na maglalagay ng satellite office ang National Bureau of Investigation (NBI) sa bayan ng Kalibo.

Ayon kay Lachica na nagpunta sa kanyang opisina ang mga taga-NBI para magpasama sa pag inspeksyon ng lugar sa City Mall Kalibo na lalagyan ng kanilang opisina na una nang ini-offer sa kanila.

Kung matuloy ito ay malaki itong tulong sa mga Aklanon at mga kalapit na bayan o probinsya para hindi na pumunta sa malayo kagaya ng sa Roxas City, Iloilo City at bawas na rin sa gastos at oras.
Nation


Facebook Comments